Dominador, Jr. B. Maquillan (Author)
Abstrak
Nilayon ng pag-aaral na ito na masuri ang mga ideolohiyang masasalamin sa mga kartung editoryal sa mga SONA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ginamit ang disenyong kwalitatibo sa paraang deskriptibo sapagkat isa-isang sinuri ang mga ideolohiyang masasalamin sa ginamit na mga kartung editoryal. Ang mga kartung editoryal na sinuri na may kabuuang labing-apat (14) batay sa purposive-convenient sampling sa paraan ng pagpili. Ito ay nagmula sa opisyal na website ng mga pahayagang Philippine Daily Inquirer at The Philippine Star mula taong 2016 hanggang 2020 na nailathala sa loob ng isang linggo pagkatapos maisagawa ang mga taunang SONA. Lumabas na ang mga pangunahing ideolohiya sa mga sinuring kartung editoryal ay karaniwang patungkol sa mga isyung panlipunan tulad ng isyu sa ilegal na droga, krimen, katiwalian, isyu sa kapayapaan, kahirapan, agawan sa teritoryo, isyu sa tiwala sa administrasyon, at isyu sa pandemyang dulot ng covid-19.Nilayon ng pag-aaral na ito na masuri ang mga ideolohiyang masasalamin sa mga kartung editoryal sa mga SONA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ginamit ang disenyong kwalitatibo sa paraang deskriptibo sapagkat isa-isang sinuri ang mga ideolohiyang masasalamin sa ginamit na mga kartung editoryal. Ang mga kartung editoryal na sinuri na may kabuuang labing-apat (14) batay sa purposive-convenient sampling sa paraan ng pagpili. Ito ay nagmula sa opisyal na website ng mga pahayagang Philippine Daily Inquirer at The Philippine Star mula taong 2016 hanggang 2020 na nailathala sa loob ng isang linggo pagkatapos maisagawa ang mga taunang SONA. Lumabas na ang mga pangunahing ideolohiya sa mga sinuring kartung editoryal ay karaniwang patungkol sa mga isyung panlipunan tulad ng isyu sa ilegal na droga, krimen, katiwalian, isyu sa kapayapaan, kahirapan, agawan sa teritoryo, isyu sa tiwala sa administrasyon, at isyu sa pandemyang dulot ng covid-19.
Read the full text here.
Keywords: Kartung editoryal, Ideolohiya, Semayotikong pagsusuri