MAPEHFIL: pagbuo ng e-kagamitang pampagtuturo sa MAPEH 8 gamit ang wikang Filipino

by

Marichu V. Rafa (Author)

Abstrak

Sa kasalukuyang panahon ng teknolohiya, hindi natin maikukubli ang impluwensya ng mga digital na kagamitan sa ating pang-araw-araw na buhay.  Sa larangan ng edukasyon, ang paggamit ng e-kagamitang pampagtuturo ay nagbubukas ng maraming oportunidad at benepisyo sa mga guro at mga mag-aaral.  Malaki din ang papel na ginagampanan ng wika sa proseso ng pagkatuto, nakasalalay dito ang lubusang pag-unawa sa mga araling tinatalakay.  Nilalayon ng pag-aaral na ito na makabuo ng e-kagamitang panturo sa Mapeh 8 gamit ang wikang Filipino.  Ginamit sa pag-aaral ang disenyong deskriptibong pananaliksik sa pamamaraang purposive sampling technique.  Ang purposive sampling technique ay nagamit upang masuri ang paggamit ng e-kagamitang pampagtuturo sa Mapeh 8 gamit ang Filipino bilang midyum.  Sa pagsusuri sa pahayag ng mga guro, lumabas na malaking tulong ang pagbuo ng elektronikong kagamitan para sa mas epektibo at malinaw na pagtalakay ng mga aralin.  Ang persepsyon naman ng mga guro sa paggamit ng wikang Filipino bilang midyum ay lumabas na ang mga paksang araliln ay mas madaling maintindihan, may magandang interaksyon sa pagitan ng guro at mag-aaral. Sa kabuuan, naipakita sa pag-aaral na malaking kontribusyon ang nasabing e-kagamitan sa proseso ng pagkatuto at bilang kagamitang panturo ng mga guro.  Iminumungkahi ang pagpapatuloy sa paggamit ng wikang Filipino sa mga talakayan at ganundin ang pagbuo ng e-kagamitan bilang karagdagang panturo. 

Read the full text here.

Mga Susing Salita: E-kagamitan, Wikang Filipino, MAPEH

DOI: https://doi.org/10.69651/PIJHSS040120

Discover more from Pantao (The International Journal of the Humanities and Social Sciences)

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading