PUQUE: Developing a glossary of Quezon words used in Sta. Elena, Camarines Norte as an enrichment of the Cam Norteño vocabulary (PUQUE: pagbuo ng isang glosaryo ng mga salitang Quezon na ginagamit sa Sta. Elena, Camarines Norte bilang pagpapayabong ng bokabularyong Cam Norteño)

by

Michelle M. Bacuño (Author)

Abstrak

Ang Sta. Elena, Camarines Norte ay kilala sa tawag na “Gateway to Bicolandia” sapagkat ito ang unang bayan na mararating paglabas ng Quezon Province. Bagama’t nabibilang sa Rehiyong Bicol, ang mga mamamayan dito ay mas nahasa at nasanay sa paggamit ng salitang Quezon sa kanilang pang-aaraw-araw na pamumuhay. Sa ganitong diwa, layunin ng mananaliksik na makabuo ng glosaryo ng mga salitang-Quezon na ginagamit sa Sta. Elena bilang pagpapayabong ng bokabularyong Cam. Norteńo. Bilang nabibilang sa bayan ng Camarines Norte, nasasakupan din ang mga paaralan dito ng Dibisyon ng Camarines Norte. Kung kaya marami sa mga guro dito ang nagmula sa iba’t ibang bayan ng Camarines Norte. Ang mga nasabing guro ay kakikitaan ng paninibago sa mga kultura lalo’t higit sa mga salitang Quezon na kanilang dinaratnan sa pamayanan. Lubhang malaki ang maitutulong ng pagbuo ng isang glosaryo ng Tagalog Quezon upang mas higit na maging mabisa ang kanilang pakikipagkomunikasyon sa komunidad ng paaralang kanilang pinagsisilbihan.

Read the full text here.

Mga Susing Salita: PUQUE, wika, lalawiganin, leksikograpiya, glosaryo

DOI: https://doi.org/10.69651/PIJHSS040121

Discover more from Pantao (The International Journal of the Humanities and Social Sciences)

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading