Mischelle J. Mendoza and Leodegario M. Jalos, Jr (Authors)
Abstract
Upang matugunan ang pangangailangan sa edukasyon sa kasalukuyang panahon at mapagaan ang pasanin sa mga magulang at estudyante, iba’t ibang paraan ng pag-aaral ang inilatag ng kagawaran, kabilang na ang paggamit ng Self Learning Modules (SLMs). Ang mga ito ay inihahanda ng mga guro sa pormat na maaaring printed o digital, batay sa preference at kapasidad ng bawat mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay naglayong suriin ang kabisaan ng Elektronikong Estratehiyang Pang-interbensyon na Kagamitan (E-EPIK) sa pagpapaunlad ng makrong kasanayan sa pagbasa sa Filipino ng mga mag-aaral ng ikasampung baitang ng Biñan Integrated National High School. Para sa disenyo ng pananaliksik, ang quasi-experimental design ay ginamit dahil pinapayagan nito ang mananaliksik na obserbahan ang epekto ng E-EPIK sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa nang hindi lubusang kinokontrol o binabago ang natural na setting ng pag-aaral. Sa panimulang pagsusulit, ang mga mag-aaral ay may karaniwang (mean=7.96, 39.8%) antas ng kaalaman. Matapos gamitin ang elektronikong estratehiyang pang-interbensyong (E-EPIK) sa pagtuturo, ang kaalaman ng mag-aaral sa Filipino ay bumilang sa magaling (mean=17.28, 86.4%) na antas. Gamit ang Wilcoxon Rank Test, napatunayan na may makabuluhang pagkakaiba sa mga iskor ng mag-aaral mula sa panimulang pagsusulit (mean=7.96) hanggang sa panapos na pagsusulit (mean=17.28). Sa kabuuan, ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng makabuluhang pag-unlad sa kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa Filipino matapos ang implementasyon ng elektronikong estratehiyang pang-interbensyon (E-EPIK).
Read the full text here.
Keywords: E-EPIK, Interbensyon, Kabisaan, Makrong kasanayan, SLMs